Biyernes, Disyembre 7, 2012
Ang Ulan!
November 13, 2011 , Sunday at ngayon ang day off ko. Maaga pa lang ay nagising na ako dahil my usapan kme ni Abby na lalabas kme after ng work nya dahil sya ay morning shift. Kaya maaga pa lang nag handa nko sa sarili ko. Kinakabahan na masaya ang nararamdaman ko kaya di ako mapakali sa dapat kong gawin. Bawat oras na lumilipas tinetext ko sya, kinakamusta ko sya sa work nya at agad naman sya nag rereply na ok naman daw sya kahit medyo busy. Habang nag aayos ako sa sarili ko my sumagi sa utak ko at yun ung bagay na sinabi nya sa akin bago dumating ung araw na toh, "malay mo sa sunday makilala mo ung taong magiging girlfriend mo!" at nagulat ako kasi sunday nga pla ngayon. Sabi ko sa sarili ko sana makilala ko na yung taong magmamahal sa akin at mamahalin ko. After lunch gumayak na ako at ayoko malate sa usapan namin, syempre lalaki ako noh nkakahiya na late ako sa usapan namin dahil nung unang inaya ko sya nung unang pagkakataon ay di kami natuloy dahil nakatulog ako kaya babawi ako ngayong araw. Pagkatapos ko gumayak agad agad akong bumyahe papunta sa usapan naming lugar. Habang hinihintay ko sya bigla sya nagtext sa akin na hindi pa daw sya mkakauwe at baka mmya pa, sabi ko naman sa kanya ok lng at hihintayin ko sya kahit mmya pa sya pauwiin. Dahil sa sobrang nabobored ako kakahintay agad kong nilabas ang gitara ko at nag umpisa tumugtog, lumipas ang ilang oras nagtext sya at malapit na daw sya matapos sa work nya. Mga ilang minuto pa ang lumipas nakita ko na sya bumaba sa shuttle bus, tuwang tuwa ako sa sarili ko sa kadahilanan na nasa harapan ko ung babaeng nagpapatibok sa puso ko. Bigla na lang sya huminge ng pasensya sa akin dahil sa tagal nya akong pinaghintay. Maya maya sumakay na kami ng bus at habang nasa byahe kami bigla nalang umulan ng malakas, "badtrip naman biglang umulan!" sabi ko sa kanya, malas naman kako. Pag baba namin ng bus tinanong nya ako san ko gusto kumain dahil ittreat dw nya ako kasi ang tagal nya akong pinaghintay, maya mya nakahanap kami ng restaurant at agad kami naupo at umorder. Habang hinihintay namin ung order namin nagkuwentuhan kami, habang nagkukuwento sya di ko napigilan na tingnan sya at mapatulala. "ang ganda ganda naman nya, talagang my gusto na ako sa kanya" sabi ko sa sarili ko, halos di ko na naiintindihan mga sinasabi nya kasi nka tingin lang ako sa kanya at manghang mangha ako sa kagandahan nya, lumipas ang ilang minuto natigil ang pag tingin ko sa kanya dahil dumating na ung order namin. Habang kinakaen namin ung order nag bigay sya ng opinyon di daw masyadong masarap, sabi ko "Oo nga eh, maganda lang tingnan pero kulang sa lasa!" at nagkasundo kami, parehas kasi kaming pihikan sa pagkaen. Pagkatpos namin kumaen naglibot libot kami sandali sa loob ng Mall kasi umuulan pa sa labas, di ako makapaniwala na kasama ko ung taong napapalapit sa puso ko at bigla ko naisip kung magkakaroon ako nag pag asa sa kanya, "hawakan ko kaya kamay nya?!" yan ang tanong ng isip ko. Kaso natatakot ako na pag hinawakan ko kamay nya magalit sya at masira pagkakaibigan namin, pero maya maya sabi ko sa sarili ko "bahala na! kung masasaktan ako ok lng lang para habang maaga di ako mag expect!" at hinawakan ko kamay nya, "Shit!!!" sabi ng isip kong kinakabahan, ngunit sa pag hawak ko sa kamay nya di sya tumanggi at hinawakan din nya ang kamay ko. Masayang masaya ako that time! "Yes! ibig bang sabihin kaya nito ay ok kami sa isa't isa?" sabi ng isip ko. Habang naglalalakad kami at magkahawak ang kamay namin at patuloy kami sa kuwentuhan namin hanggang naisipan namin pumunta pa sa ibang lugar. Nilibot nya ako sa mga alam nyang magagandang lugar, kung san san kami napadpad nung oras na yun, kung san kami dalhin ng aming mga paa dun kami. Sobrang saya ko nung oras na yun, kahit umuulan pa nun wala kami paki alam basta lilibot kami kung saan kami mapupunta. Kuwento lang sya ng kwento nung oras na yun, nalaman kong my mga kapatid syang babae, sya ang bread winner ng family nya, at 4years na daw sya dito sa Singapore na nagwowork, at kung anu anu pa nalaman ko. Lumipas ang mga oras at kailangan na namin umuwe, hinatid ko sya sa sakayan nya. Pagdating namin dun agad agad ko sinabing "sa susunod ulit ah?! sobrang bitin yung time! mag iingat ka pag uwe!" at pagsakay nya ng bus naglakad nko papunta sa sakayan ko at banag naglalakad ako tinext ko sya "I LOVE YOU!" sabi ko, di ko lam bat ko sya tinext ng ganun. Maya maya nag beep ang cellphone ko at nag reply sya "I LOVE YOU TOO!!" Di ako makapaniwala nung oras na yun, di ko alam kong maniniwala ako na mahal din nya ako! Basta tuwang tuwa ang sarili ko, lalo na ang puso ko! Paguwe ko sa hostel namin tinext ko ulit sya at sabi ko sobrang namimiss ko na sya agad, at ganun din reply nya. Sobrang inlove ako nung oras na yun, at bago lumipas ang araw na yun ay NAGING KAMI!! Bago ako nakatulog ung oras na yun my sumagi sa utak ko at un ung sinabi nya sa akin na makikilala ko ang magiging girlfriend ko nung araw na toh at sya pala yun. Sobrang nagpapasalamat ako kay God at binigay nya sa akin ang hiling ko.
November 14, 2011, di ko inaasahan na day off ko ngayong araw at ganun din si Abby. Nag usap kami na lumabas ulit at sobrang miss na miss na namin ang isa't isa. Tuwang tuwa ako at makakasama ko ung taong pinakamamahal ko, nag usap kami na manuod ng movie. Maya maya ay gumayak na ako dahil excited na ako makita sya at makasama. Pag dating namin sa usapang lugar nakita ko sya, natulala ako! Ang ganda ganda nya, di ako makapaniwala na eto ung babaeng mahal din ako. Agad kong hinawakan ang kamay nya, pumunta kami sa counter at bumili ng ticket ng papanuorin naming movie. Habang naghihintay kami ay naupo kami at nagkuwentuhan habang tinitingnan ang nasa labas kasi ay umuulan na naman, kahit tagal namin naghintay ay di namin napanisin ang oras dahil sa pagkukuwento sa kanya. Pag dating ng oras ay pumasok na kami para manuod, ang lamig nung oras na yun kaya hinila ko sya sa balikat ko na kahit papanu mawala ang lamig. Sa kalagitnaan ng pinapanuod namin nagka tinginan kami at sinabi ko sa kanya na mahal ko sya at hinalikan ko sya sa labi nya. Ramdam na ramdam ko ang init at pagmamahal ng isang babae sa akin nung oras na yun. After ng movie namin pinapanuod ay naglibot ulit kami kung san san at gaya ng dating umuulan ulan padin, sabi ko sa kanya "ang malas naman! umuulan na naman! di na himinto ung ulan tuwing magkasama tayo!!" at natawa sya sa sinabi ko. Lumipas ulit ang mga oras at kailangan na namin umuwe at hinatid ko sya ulit sa kanyang sakayan. After ko sya maihatid umuwe nadin ako. Pag uwe ko tinext ko sya sana kako dumating ung araw na magkatabi kami matulog, ganun din ang gusto nya dahil ilang oras lang na hindi kami mag kasama ay miss na namin ang isa't isa.
Dumating ang araw at lumabas na naman kami dalawa at gaya ng dati kumaen kami at naglibot libot, sobrang higpit ng hawak ko sa kanyang kamay dahil natatakot ako na mawala sya sa akin. Niyakap ko din sya nung time na yun at sinabi ko sa kanya na "Mahal na mahal ko sya!" at agad din nya sinabi sa akin na "Mahal din kita!" mga salitang sobrang nag pasaya sa akin. Hating gabi na at kailang na namin umuwe! Pero nung hinatid ko sya this time sumama ako sa kanya, nagmakaawa pa ako dahil gusto ko sya makasama ng buong araw at pumayag naman sya. Pag dating namin sa lugar ng tinirhan nya ay agad kami pumasok sa kuwarto nya, namangha ako dahil solo lang sya at maganda ang kuwarto nya, habang nag kukuwentuhan kami ay bigla ko na lang sya yinakap at hinalikan! At eto ung gabing hindi ko makakalimutan dahil napuno ang kuwarto nya nag pagmamahal namin sa isa't isa. Lumilipas ang mga araw lage nko natutulog sa kanyang kuwarto, nakasanayan na namin magkatabi kami matulog. At tuwing natutulog ako sa hostel namin di ako mapakali dahil gusto ko matulog na kayakap ko ang taong pinakakamamahal ko! Iba talaga pag mahal na mahal mo ung isang tao gusto mo lage syang katabi at kasama.
Habang ang araw ay lumilipas di na namin namalayan na December na! Eto ung buwan na pinaka masaya sa lahat dahil eto ang buwan ng bigayan,at kulang kelan pinanganak c Jesus! Mas sasaya ang buwan na toh kung kasama mo ang taong pinakamamahal mo!
at ngayong buwan kasama ko ang taong pinakamamahal ko si ABEGAIL OSIS ALAYON....
-CONTINUE....
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento