Lunes, Disyembre 3, 2012
Ang Simula
I'm Niro Gutierrez at eto ang aking ginawang blog, tungkol sa taong minahal ko ng sobra, at kung panu ko hinigitan ang pagmamahal ko sa kanya bilang isang tunay na lalaki.Sa blog na to ay ikwekwento ko panu kme nagumpisa at pano kme nagkakilala,at pano nag tapos ang lahat, ikkwento ko ito dahil gusto ko malaman ng lahat kung gano ko sya kamahal, di man nya to mabasa habang buhay ko itatago ang magandang naging karanasan namin.
Isa akong student trainee from Baliuag Univeristy sa lungsod ng Bulacan. Pinalad ako makapasa sa interview ng OJT ko sa Singapore. Good for 1 year ang OJT ko. Tuwang tuwa ako nun at makakapunta ako sa ibang bansa at ma eexperience ko panu mag trabaho sa malayong lugar. Lumipas ang ilang araw nakasanayan ko na mag trabaho, mahirap pero masaya. Sa tuwing nagpapahinga nako sa kwarto ko naiiisip ko kung magkakaroon ako ng girlfriend dito, pero sabi ko sa sarili ko mukang imposible mangyare un dahil busy din ako sa trabaho ko. After 5months na pag ttrabaho dito nag umpisa ang lahat.
October 28, 2011 katatapos lang ng day off ko at excited ako pumasok sa work. Pag dating ko sa establishment namin nakita ako ng isa kong kaibigan at dali dali sinabing "uuyy my bagong staff, maganda xa at maputi! panigurado magugustuhan mo!" at tugon ko nman ay "cge tignan natin kung papasa sa akin!" at sabay tawa ko sa kaibigan ko. Agad kong binilisan ang pagpapalit ng damit ko para makita ko yung sinasabe ng kaibigan ko! Pagpasok ko sa sa work agad kong hinanap ang babae na tinutukoy ng kaibigan ko! Lingon sa kaliwa lingon sa kanan hanggang makita ko ang pakay ng mata ko! sbe ko sa sarili ko "aba ok to ah, maganda nga!!" at dali dali akong nagpakilala sknya! at nagpakilala sya, Abegail daw ang pangalan nya pero itawag ko nalang daw sa kanaya ay Abby. Gandang ganda ako sa kanya at humanga ng husto! Ang puti nya, mahaba ang buhok nya, at sexy pa! Hanggang lumipas ang mga oras, palage ko sya binibiro at niloloko. Ang bait bait kako nya, friendly sya kaya ang dali ko sya nakasundo! Maya maya ay nagpaalam na sya dahil morning shift sya, at syempre nalungkot ako at wala nako kaharutan. Pag uwe ko bigla ko nalang sya inisip, "ganda ganda nya at ang bait pa! Sa ganda nya na yun panigurado may boyfriend na yun! Saka imposible na maging kami nun, ang taas ng position nya at ako'y isang hamak na trainee lang sa trabaho namin! Kinabukasan maaga ako gumising para gumayak at pumasok ng maaga sa trabaho kasi excited nako makita si Abby. Pagpasok ko sa work andun na sya at nag wowork, medyo busy sya kasi ang dami ng member na nagdatingan, tuwing nagkikita kami sa at nagkakasalubong nag ngingitian lang kami sa isa't isa. Hanggang humupa na ung nag datingan at nagkaroon kami ng time mkpag usap! Habang nag uusap kami nka tingin lang ako sa kanya ng mabuti, ang ganda nya at mukhang nagugustuhan ko na sya! Bago sya mag break para kumaen hininge ko ang facebook account nya para maadd ko sya! Nagulat ako sa nakita ko, ang ganda ng primary nya! ang puti at npka sexy kako! Mas nagulat ako nung nalaman ko na 27 na pla sya. Sabi ko sa sarili ko "Imposible na talaga na magustuhan ako nito at ang layo ng age gap namin. Pang asawa na ang edad nya! Samantala ako ay 21 lang at batang bata pa!" at nalungkot ako kahit papanu. Ilang araw ang lumipas mas lalo napapalapit ang loob ko sakanya! Hanggang dumating yung time na hininge ko number nya nung magka chat kami sa fb. At simula nung nakuha ko number nya araw araw ko sya tinetxt. At isang araw nagulat ako sa sarili ko, dahil lage na sya hinahanap ng isip at puso ko. Tuwing di kami nag kikita ay nalulungkot ako. Tinanong ko ang sarili ko "mahal ko na ba sya? ba't ganito ang nararamdaman ko! Hindi ko ma explain!". Isang araw inaya ko sya na mag punta kme sa labas at kumaen, agad nman sya pumayag. Yun nga lang di kami natuloy at nakatulog ako habang iniintay ko matapos ang work nya. Nang hinayang ako kasi di kami natuloy lumabas, agad akong nag huminge ng pasensya sa nangyare. Ilang araw ulit ang lumipas at inaya ko ulit sya lumabas at pumayag ulit sya. At eto ung araw na hinding hindi ko makakalimutan..
- CONTINUE
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento