Linggo, Disyembre 9, 2012

Ang Pagdating ng Pasko! Part 1



      Ang bilis ng araw at December na, ngunit ang pagpasok ng buwan na toh ay malungkot para sa akin dahil ako ay nilipat ako sa kabilang establishment ng work ko dahil sa batas na hinde pwede mag sama ang mga mag syota sa iisang work place. Madami na din nkaalam ng relasyon namin ni Abby kaya halos isang buwan pa lang ay alam na halos ng lahat. Nung una ay nalungkot ako dahil hindi ko makakasama ngayon pasko ang mga ktrabaho ko. Ngunit sa akin pag lipat sa kabilang establishment madami ako nakilalang mga bagong kaibigan. Si ate Eidz na maluko at pilya na kababayan ko pala sa Bulacan, Si ate Cris na lageng msunget tingnan yun pala ay napaka bait at kahit kinakagalitan ako ay para sa ikakabuti ko, Si kuya Jose na pasaway, mahilig sa babae at sobrang kuwela kasama, Si ate Hazel na mapagmahal na asawa ni kuya Alfred na nakilala ko sa kabilang establishment ng work,mabait at palaban pa, Si ate Joy na napaka friendly, madaldal, mpag bigay at taga payo pag my problema, Si kuya Jason na kalog at kung anu anu tinuturo sa akin kalokohan, Si ate Allen na prang war freak sa kanilang magkakaibigan, Si kuya Mervin na npka galing mag payo at sumagot ng mga tanong tuwing my problema ang isa sa amin, Si ate Maria na cute kasi maliit pero lageng masiyahain at love na love si God, friendly din sya at lage nagpapayo skin at marami pa ako nakilala. Sa ilang araw ako nag stay at nag work dun ay naging masaya ako dahil sa mga ktrabaho ko, kumbaga wala silang katulad :) Sila ang naging nago kong pamilya at sobrang nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sila. Sabi nga nila lahat ng bagay ay my dahilan, kung may mawawala,my bagong darating.

   Sa kabilang nararamdaman ko ay nalulungkot din ako dahil di ko na lage nakikita at nakakasama si Abby. Tuwing uwian ko na lang sya nakikita at nakakasama, minsan ay dun ako natutulog sa tinitirhan nya. Bago kami umakyat at mag pahinga sa kuwarto nya ay lage kami kumakaen sa baba nila ng Bah Ku Tei, ibang iba sya sa mga natikman ko dahil napaka sarap ng pagkakaluto, halos tuwing magkasama kami ay kumakaen kami nun. At tuwing magpapahinga na kami ay lage nya ako pinag sasabihan na bago mtulog ay mag dasal ako. Kahit pagod ako sa bago kong trabaho ay masaya ako at nawawala ang aking pagod pag kasama ko ang taong pinakamamahal ko. Kunbaga inspired ako dahil sa kanya. Lumipas ang ilang araw ay malapit na mag pasko, sobrang excited ako at panay ang isip ko kung anu ung ireregalo ko kay Abby. Kaya isang araw, nung wala akong pasok ay pumunta ako sa isang mall. Hanap dun hanap dito, san san ako napunta kakahanap ng ireregalo ko sa kanya, ilang oras pa ay binalikan ko ang isang shop dun at bumili ako ng malaking Pooh na stuff toy at unan na Pooh. Binili ko un dahil gusto ko tuwing hindi nya ako nakakasama pag natutulog ay may yayakapin syang na kasing cute ko. Pagsapit ng hinihintay kong araw, ang pasko ay sobrang natutuwa ako dahil excited ako ibigay ang regalo ko kay abby at ngaung pasko ay makakasama ko sya. Nung araw na yun sobrang nagpapasalamat ako kay God, binigay nya ang hiling ko at sobra sobra pa. Ang may babaeng magmahal sa akin ng totoo. Sabi ko kay God that time "Lord sobrang nagpapasalamat ako at binigay nyo ang matagal ko na pong hinihiling, binigay nyo po sa akin si Abby. Hayaan nyo lahat po ay gagawin ko para sa kanya, sobrang mamahalin ko po sya dahil binigay nyo sya sa akin! Maraming maraming salamat!!" at pagkatapos ko ibigay ang regalo ko kay Abby ay my regalo din sya sa akin at nagulat ako dahil yun yung pinaka favorite kong pabango at binigyan din nya ako ng bagong damit. Masayang masaya ako nung oras na yun. Sabi ko nga sa sarili ko di ko na kailangan makatanggap ng regalo mula sa kanya dahil nung pag dating pa lang nya sa buhay ko at naging parte sya nito ay sobra sobra na yun para sa isang regalo. Sinabi ko sa kanya na mahal na mahal ko sya at wala nako hihilingin pa. At bago kami nag pahinga ng oras na yun ay pinuno namin ng pagmamahalan ang kuwarto nya. Sobrang saya ng Pasko ko nung nakaraang taon na yun. Ngaun lang naging ganun kasaya ang pasko ko at sobrang nagpapasalamat ako sa natanggap kong regalo.




       Ang makasama mo lang ang taong pinakamamahal mo sa araw ng pasko ay wala ka nang ibang hihilingin pa sa panginoon kundi maging matatag ang relasyon nyo at malagpasan ang mga darating na problema.


                                                                                                                               -CONTINUE.....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento