Huwebes, Disyembre 13, 2012

Happy Monthsary! 12-13-12 :(


     Bago ko icontinue ung story gusto ko muna sabihin ang huling Monthsary speech para sa taong mahal na mahal ko..

                                                 December 13, 2012
To Abegail Alayon,

    Bago mag end ang taon na toh, gusto ko mag pasalamat sayo.. Kahit nasaktan ako sa ginawa mo ok lang, wala naman ako magagawa dun, kahit pag laban ko ung pagmamahal ko sa balewala na din lalo na kung my tao kna minamahal. Salamat dahil nakilala kita, di ko naman expect na magiging tayo. Age pa lang natin ang layo na, pero sabi nga nila wala sae dad ang totoong magmamahalan at napatunayan naten yun.
     Salamat sa lahat pang iintindi mo nung magkasama pa tayo, Salamat sa pag tuturo mo sa akin sa tamang Gawain, Salamat sa pag aalaga mo sa akin lalo na pag may sakit ako, Salamat sa pag bibigay ng time tuwing kailangan kita, Salamat sa bawat oras na ginugol mo sa akin, Salamat sa mga binigay mo sa akin, Salamat sa mga bagay na ginawa mo sa akin para mapasaya ako, Salamat sa time na hindi mo ako iniwan lalo na sa may problema ako at may mabigat na pinagdadaaanan, Salamat sa pag bibigay mo sa akin ng puso mo, Salamat sa pag mamahal na binigay mo sa akin!! Pinaramdam mo sa akin ang tunay na pagmamahal lalo nung magkasama pa tayo. Salamat dahil binago mo ako, ginabayan mo ako sa tamang landas. Ang daming bagay na sobrang pinasasalamatan kita!!
   
    Sorry kung lage kita binibigyan ng problema  nun, Sorry sa time na nag sinungaling ako date sayo nung magkasama tayo, Sorry kung may mga bagay ako hindi natutupad, Sorry kung di ko nagagawa mga ibang utos mo sa akin, Sorry kung nagiging pasaway ako, Sorry kung di ko nabibigay mga gusto mo, Sorry kung di ako mayaman, Sorry kung ganito lang ako.. Sorry hindi ako ung lalaking pinangarap mo.. Pero tandaan mo iniwan mo man ako at pinagpalit sa iba gusto ko lang malaman mo na kahit kelan di ko nagawang mambabae, tuwing nag aaway tayo di pumasok sa isip ko mambabae, kasi mahal na mahal kita! Kung alam mo lang mga bagay na sinacrifice ko malalaman mo kung ganu kita kamahal, siguro nga masama loob ko sayo kasi lage mo ako pinag bibintangan pero wala kahit isa, wla ako babae tapos ikaw my mahal ng iba??!! Ang sakit nun pra sa akin, pinagpalit mo ung mga pinagdaanan naten sa minamahal mo ngaun.  Alam mo ang sakit sakit hanggang ngaun ung ginawa mo, siguro masaya kna ngaun kaya di kana nagpaparamdam sa akin. Araw araw umiiyak ako dahil sayo.  Nagdudusa ako sa mga nangyari, pero anu ba magagawa ko? Wala db? Tanggapin ang lahat.. gusto ko lang malaman mo bago mag end ang year na toh, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA!!!! Un lng ung kaya kong ibigay seo ng buo, ang puso ko, ang pagmamahal ko syo.. Buong buo ko binigay sayo kaya ngaun nawala kna npka sakit pra sa akin ang nangyari.. Balang araw makikita mo din kung ano ung mga sinacrifice ko para sayo,  kung ganu ako naging Katanga pra maging strong ang relationship natin..  L

     Sorry talaga dahil ganito lang ako, tama ka sa sinabi mo wala ka mapapala sa akin, na wala akong kwentang lalaki at puro problema lang ibibigay sayo. Masakit man mga binitawan mo salita sa akin lage mo tatandaan na my LONIRO LONIEL R. GUTIERREZ ang nagmahal sayo ng totoo at wagas. Lage ka mag iingat kung nasan ka man. Kung anu ung magpapasaya sayo mgging masaya nadin ako pra sayo kasi mahal kita at gusto ko maging masaya ka. Congratz sa inyo ng bago mong mahal. Best Wishes po at advance Merry Christmas sa inyo dalawa.. 

       Happy Final Monthsary bie! Mahal na mahal kita!!! Iwan ka man ng mundo pero ako hinding hindi kita iiwan kahit ganu pa kasakit ang mangyari sa akin..



                                                                               -LONIRO LONIEL R. GUTIERREZ

Linggo, Disyembre 9, 2012

Ang Pagdating ng Pasko! Part 1



      Ang bilis ng araw at December na, ngunit ang pagpasok ng buwan na toh ay malungkot para sa akin dahil ako ay nilipat ako sa kabilang establishment ng work ko dahil sa batas na hinde pwede mag sama ang mga mag syota sa iisang work place. Madami na din nkaalam ng relasyon namin ni Abby kaya halos isang buwan pa lang ay alam na halos ng lahat. Nung una ay nalungkot ako dahil hindi ko makakasama ngayon pasko ang mga ktrabaho ko. Ngunit sa akin pag lipat sa kabilang establishment madami ako nakilalang mga bagong kaibigan. Si ate Eidz na maluko at pilya na kababayan ko pala sa Bulacan, Si ate Cris na lageng msunget tingnan yun pala ay napaka bait at kahit kinakagalitan ako ay para sa ikakabuti ko, Si kuya Jose na pasaway, mahilig sa babae at sobrang kuwela kasama, Si ate Hazel na mapagmahal na asawa ni kuya Alfred na nakilala ko sa kabilang establishment ng work,mabait at palaban pa, Si ate Joy na napaka friendly, madaldal, mpag bigay at taga payo pag my problema, Si kuya Jason na kalog at kung anu anu tinuturo sa akin kalokohan, Si ate Allen na prang war freak sa kanilang magkakaibigan, Si kuya Mervin na npka galing mag payo at sumagot ng mga tanong tuwing my problema ang isa sa amin, Si ate Maria na cute kasi maliit pero lageng masiyahain at love na love si God, friendly din sya at lage nagpapayo skin at marami pa ako nakilala. Sa ilang araw ako nag stay at nag work dun ay naging masaya ako dahil sa mga ktrabaho ko, kumbaga wala silang katulad :) Sila ang naging nago kong pamilya at sobrang nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sila. Sabi nga nila lahat ng bagay ay my dahilan, kung may mawawala,my bagong darating.

   Sa kabilang nararamdaman ko ay nalulungkot din ako dahil di ko na lage nakikita at nakakasama si Abby. Tuwing uwian ko na lang sya nakikita at nakakasama, minsan ay dun ako natutulog sa tinitirhan nya. Bago kami umakyat at mag pahinga sa kuwarto nya ay lage kami kumakaen sa baba nila ng Bah Ku Tei, ibang iba sya sa mga natikman ko dahil napaka sarap ng pagkakaluto, halos tuwing magkasama kami ay kumakaen kami nun. At tuwing magpapahinga na kami ay lage nya ako pinag sasabihan na bago mtulog ay mag dasal ako. Kahit pagod ako sa bago kong trabaho ay masaya ako at nawawala ang aking pagod pag kasama ko ang taong pinakamamahal ko. Kunbaga inspired ako dahil sa kanya. Lumipas ang ilang araw ay malapit na mag pasko, sobrang excited ako at panay ang isip ko kung anu ung ireregalo ko kay Abby. Kaya isang araw, nung wala akong pasok ay pumunta ako sa isang mall. Hanap dun hanap dito, san san ako napunta kakahanap ng ireregalo ko sa kanya, ilang oras pa ay binalikan ko ang isang shop dun at bumili ako ng malaking Pooh na stuff toy at unan na Pooh. Binili ko un dahil gusto ko tuwing hindi nya ako nakakasama pag natutulog ay may yayakapin syang na kasing cute ko. Pagsapit ng hinihintay kong araw, ang pasko ay sobrang natutuwa ako dahil excited ako ibigay ang regalo ko kay abby at ngaung pasko ay makakasama ko sya. Nung araw na yun sobrang nagpapasalamat ako kay God, binigay nya ang hiling ko at sobra sobra pa. Ang may babaeng magmahal sa akin ng totoo. Sabi ko kay God that time "Lord sobrang nagpapasalamat ako at binigay nyo ang matagal ko na pong hinihiling, binigay nyo po sa akin si Abby. Hayaan nyo lahat po ay gagawin ko para sa kanya, sobrang mamahalin ko po sya dahil binigay nyo sya sa akin! Maraming maraming salamat!!" at pagkatapos ko ibigay ang regalo ko kay Abby ay my regalo din sya sa akin at nagulat ako dahil yun yung pinaka favorite kong pabango at binigyan din nya ako ng bagong damit. Masayang masaya ako nung oras na yun. Sabi ko nga sa sarili ko di ko na kailangan makatanggap ng regalo mula sa kanya dahil nung pag dating pa lang nya sa buhay ko at naging parte sya nito ay sobra sobra na yun para sa isang regalo. Sinabi ko sa kanya na mahal na mahal ko sya at wala nako hihilingin pa. At bago kami nag pahinga ng oras na yun ay pinuno namin ng pagmamahalan ang kuwarto nya. Sobrang saya ng Pasko ko nung nakaraang taon na yun. Ngaun lang naging ganun kasaya ang pasko ko at sobrang nagpapasalamat ako sa natanggap kong regalo.




       Ang makasama mo lang ang taong pinakamamahal mo sa araw ng pasko ay wala ka nang ibang hihilingin pa sa panginoon kundi maging matatag ang relasyon nyo at malagpasan ang mga darating na problema.


                                                                                                                               -CONTINUE.....

Biyernes, Disyembre 7, 2012

Ang Ulan!


     November 13, 2011 , Sunday at ngayon ang day off ko. Maaga pa lang ay nagising na ako dahil my usapan kme ni Abby na lalabas kme after ng work nya dahil sya ay morning shift. Kaya maaga pa lang nag handa nko sa sarili ko. Kinakabahan na masaya ang nararamdaman ko kaya di ako mapakali sa dapat kong gawin. Bawat oras na lumilipas tinetext ko sya, kinakamusta ko sya sa work nya at agad naman sya nag rereply na ok naman daw sya kahit medyo busy. Habang nag aayos ako sa sarili ko my sumagi sa utak ko at yun ung bagay na sinabi nya sa akin bago dumating ung araw na toh, "malay mo sa sunday makilala mo ung taong magiging girlfriend mo!" at nagulat ako kasi sunday nga pla ngayon. Sabi ko sa sarili ko sana makilala ko na yung taong magmamahal sa akin at mamahalin ko. After lunch gumayak na ako at ayoko malate sa usapan namin, syempre lalaki ako noh nkakahiya na late ako sa usapan namin dahil nung unang inaya ko sya nung unang pagkakataon ay di kami natuloy dahil nakatulog ako kaya babawi ako ngayong araw. Pagkatapos ko gumayak agad agad akong bumyahe papunta sa usapan naming lugar. Habang hinihintay ko sya bigla sya nagtext sa akin na hindi pa daw sya mkakauwe at baka mmya pa, sabi ko naman sa kanya ok lng at hihintayin ko sya kahit mmya pa sya pauwiin. Dahil sa sobrang nabobored ako kakahintay agad kong nilabas ang gitara ko at nag umpisa tumugtog, lumipas ang ilang oras nagtext sya at malapit na daw sya matapos sa work nya. Mga ilang minuto pa ang lumipas nakita ko na sya bumaba sa shuttle bus, tuwang tuwa ako sa sarili ko sa kadahilanan na nasa harapan ko ung babaeng nagpapatibok sa puso ko. Bigla na lang sya huminge ng pasensya sa akin dahil sa tagal nya akong pinaghintay. Maya maya sumakay na kami ng bus at habang nasa byahe kami bigla nalang umulan ng malakas, "badtrip naman biglang umulan!" sabi ko sa kanya, malas naman kako. Pag baba namin ng bus tinanong nya ako san ko gusto kumain dahil ittreat dw nya ako kasi ang tagal nya akong pinaghintay, maya mya nakahanap kami ng restaurant at agad kami naupo at umorder. Habang hinihintay namin ung order namin nagkuwentuhan kami, habang nagkukuwento sya di ko napigilan na tingnan sya at mapatulala. "ang ganda ganda naman nya, talagang my gusto na ako sa kanya" sabi ko sa sarili ko, halos di ko na naiintindihan mga sinasabi nya kasi nka tingin lang ako sa kanya at manghang mangha ako sa kagandahan nya, lumipas ang ilang minuto natigil ang pag tingin ko sa kanya dahil dumating na ung order namin. Habang kinakaen namin ung order nag bigay sya ng opinyon di daw masyadong masarap, sabi ko "Oo nga eh, maganda lang  tingnan pero kulang sa lasa!" at nagkasundo kami, parehas kasi kaming pihikan sa pagkaen. Pagkatpos namin kumaen naglibot libot kami sandali sa loob ng Mall kasi umuulan pa sa labas, di ako makapaniwala na kasama ko ung taong napapalapit sa puso ko at bigla ko naisip kung magkakaroon ako nag pag asa sa kanya, "hawakan ko kaya kamay nya?!" yan ang tanong ng isip ko. Kaso natatakot ako na pag hinawakan ko kamay nya magalit sya at masira pagkakaibigan namin, pero maya maya sabi ko sa sarili ko "bahala na! kung masasaktan ako ok lng lang para habang maaga di ako mag expect!" at hinawakan ko kamay nya, "Shit!!!" sabi ng isip kong kinakabahan, ngunit sa pag hawak ko sa kamay nya di sya tumanggi at hinawakan din nya ang kamay ko. Masayang masaya ako that time! "Yes! ibig bang sabihin kaya nito ay ok kami sa isa't isa?" sabi ng isip ko. Habang naglalalakad kami at magkahawak ang kamay namin at patuloy kami sa kuwentuhan namin hanggang naisipan namin pumunta pa sa ibang lugar. Nilibot nya ako sa mga alam nyang magagandang lugar, kung san san kami napadpad nung oras na yun, kung san kami dalhin ng aming mga paa dun kami. Sobrang saya ko nung oras na yun, kahit umuulan pa nun wala kami paki alam basta lilibot kami kung saan kami mapupunta. Kuwento lang sya ng kwento nung oras na yun, nalaman kong my mga kapatid syang babae, sya ang bread winner ng family nya, at 4years na daw sya dito sa Singapore na nagwowork, at kung anu anu pa nalaman ko. Lumipas ang mga oras at kailangan na namin umuwe, hinatid ko sya sa sakayan nya. Pagdating namin dun agad agad ko sinabing "sa susunod ulit ah?! sobrang bitin yung time! mag iingat ka pag uwe!" at pagsakay nya ng bus naglakad nko papunta sa sakayan ko at banag naglalakad ako tinext ko sya "I LOVE YOU!" sabi ko, di ko lam bat ko sya tinext ng ganun. Maya maya nag beep ang cellphone ko at nag reply sya "I LOVE YOU TOO!!" Di ako makapaniwala nung oras na yun, di ko alam kong maniniwala ako na mahal din nya ako! Basta tuwang tuwa ang sarili ko, lalo na ang puso ko! Paguwe ko sa hostel namin tinext ko ulit sya at sabi ko sobrang namimiss ko na sya agad, at ganun din reply nya. Sobrang inlove ako nung oras na yun, at bago lumipas ang araw na yun ay NAGING KAMI!! Bago ako nakatulog ung oras na yun my sumagi sa utak ko at un ung sinabi nya sa akin na makikilala ko ang magiging girlfriend ko nung araw na toh at sya pala yun.  Sobrang nagpapasalamat ako kay God at binigay nya sa akin ang hiling ko.


     November 14, 2011, di ko inaasahan na day off ko ngayong araw at ganun din si Abby. Nag usap kami na lumabas ulit at sobrang miss na miss na namin ang isa't isa. Tuwang tuwa ako at makakasama ko ung taong pinakamamahal ko, nag usap kami na manuod ng movie. Maya maya ay gumayak na ako dahil excited na ako makita sya at makasama. Pag dating namin sa usapang lugar nakita ko sya, natulala ako! Ang ganda ganda nya, di ako makapaniwala na eto ung babaeng mahal din ako. Agad kong hinawakan ang kamay nya, pumunta kami sa counter at bumili ng ticket ng papanuorin naming movie. Habang naghihintay kami ay naupo kami at nagkuwentuhan habang tinitingnan ang nasa labas kasi ay umuulan na naman, kahit tagal namin naghintay ay di namin napanisin ang oras dahil sa pagkukuwento sa kanya. Pag dating ng oras ay pumasok na kami para manuod, ang lamig nung oras na yun kaya hinila ko sya sa balikat ko na kahit papanu mawala ang lamig. Sa kalagitnaan ng pinapanuod namin nagka tinginan kami at sinabi ko sa kanya na mahal ko sya at hinalikan ko sya sa labi nya. Ramdam na ramdam ko ang init at pagmamahal ng isang babae sa akin nung oras na yun. After ng movie namin pinapanuod ay naglibot ulit kami kung san san at gaya ng dating umuulan ulan padin, sabi ko sa kanya "ang malas naman! umuulan na naman! di na himinto ung ulan tuwing magkasama tayo!!" at natawa sya sa sinabi ko. Lumipas ulit ang mga oras at kailangan na namin umuwe at hinatid ko sya ulit sa kanyang sakayan. After ko sya maihatid umuwe nadin ako. Pag uwe ko tinext ko sya sana kako dumating ung araw na magkatabi kami matulog, ganun din ang gusto nya dahil ilang oras lang na hindi kami mag kasama ay miss na namin ang isa't isa.

     Dumating ang araw at lumabas na naman kami dalawa at gaya ng dati kumaen kami at naglibot libot, sobrang higpit ng hawak ko sa kanyang kamay dahil natatakot ako na mawala sya sa akin. Niyakap ko din sya nung time na yun at sinabi ko sa kanya na "Mahal na mahal ko sya!" at agad din nya sinabi sa akin na "Mahal din kita!" mga salitang sobrang nag pasaya sa akin. Hating gabi na at kailang na namin umuwe! Pero nung hinatid ko sya this time sumama ako sa kanya, nagmakaawa pa ako dahil gusto ko sya makasama ng buong araw at pumayag naman sya. Pag dating namin sa lugar ng tinirhan nya ay agad kami pumasok sa kuwarto nya, namangha ako dahil solo lang sya at maganda ang kuwarto nya, habang nag kukuwentuhan kami ay bigla ko na lang sya yinakap at hinalikan! At eto ung gabing hindi ko makakalimutan dahil napuno ang kuwarto nya nag pagmamahal namin sa isa't isa. Lumilipas ang mga araw lage nko natutulog sa kanyang kuwarto, nakasanayan na namin magkatabi kami matulog. At tuwing natutulog ako sa hostel namin di ako mapakali dahil gusto ko matulog na kayakap ko ang taong pinakakamamahal ko! Iba talaga pag mahal na mahal mo ung isang tao gusto mo lage syang katabi at kasama.
           Habang ang araw ay lumilipas di na namin namalayan na December na! Eto ung buwan na pinaka masaya sa lahat dahil eto ang buwan ng bigayan,at kulang kelan pinanganak c Jesus! Mas sasaya ang buwan na toh  kung kasama mo  ang taong pinakamamahal mo!
     at ngayong buwan kasama ko ang taong pinakamamahal ko si ABEGAIL OSIS ALAYON....
                                                                                                                                               -CONTINUE....

Lunes, Disyembre 3, 2012

Ang Simula



  I'm Niro Gutierrez at eto ang aking ginawang blog, tungkol sa taong minahal ko ng sobra, at kung panu ko hinigitan ang pagmamahal ko sa kanya bilang isang tunay na lalaki.Sa blog na to ay ikwekwento ko panu kme nagumpisa at pano kme nagkakilala,at pano nag tapos ang lahat, ikkwento ko ito dahil gusto ko malaman ng lahat kung gano ko sya kamahal, di man nya to mabasa habang buhay ko itatago ang magandang naging karanasan namin.





    Isa akong student trainee from Baliuag Univeristy sa lungsod ng Bulacan. Pinalad ako makapasa sa interview ng OJT ko sa Singapore. Good for 1 year ang OJT ko. Tuwang tuwa ako nun at makakapunta ako sa ibang bansa at ma eexperience ko panu mag trabaho sa malayong lugar. Lumipas ang ilang araw nakasanayan ko na mag trabaho, mahirap pero masaya. Sa tuwing nagpapahinga nako sa kwarto ko naiiisip ko kung magkakaroon ako ng girlfriend dito, pero sabi ko sa sarili ko mukang imposible mangyare un dahil busy din ako sa trabaho ko. After 5months na pag ttrabaho dito nag umpisa ang lahat.
    October 28, 2011 katatapos lang ng day off ko at excited ako pumasok sa work. Pag dating ko sa establishment namin nakita ako ng isa kong kaibigan at dali dali sinabing "uuyy my bagong staff, maganda xa at maputi! panigurado magugustuhan mo!" at tugon ko nman ay "cge tignan natin kung papasa sa akin!" at sabay tawa ko sa kaibigan ko. Agad kong binilisan ang pagpapalit ng damit ko para makita ko yung sinasabe ng kaibigan ko! Pagpasok ko sa sa work agad kong hinanap ang babae na tinutukoy ng kaibigan ko! Lingon sa kaliwa lingon sa kanan hanggang makita ko ang pakay ng mata ko! sbe ko sa sarili ko "aba ok to ah, maganda nga!!" at dali dali akong nagpakilala sknya! at nagpakilala sya, Abegail daw ang pangalan nya pero itawag ko nalang daw sa kanaya ay Abby. Gandang ganda ako sa kanya at humanga ng husto! Ang puti nya, mahaba ang buhok nya, at sexy pa! Hanggang lumipas ang mga oras, palage ko sya binibiro at niloloko. Ang bait bait kako nya, friendly sya kaya ang dali ko sya nakasundo! Maya maya ay nagpaalam na sya dahil morning shift sya, at syempre nalungkot ako at wala nako kaharutan. Pag uwe ko bigla ko nalang sya inisip, "ganda ganda nya at ang bait pa! Sa ganda nya na yun panigurado may boyfriend na yun! Saka imposible na maging kami nun, ang taas ng position nya at ako'y isang hamak na trainee lang sa trabaho namin! Kinabukasan maaga ako gumising para gumayak at pumasok ng maaga sa trabaho kasi excited nako makita si Abby. Pagpasok ko sa work andun na sya at nag wowork, medyo busy sya kasi ang dami ng member na nagdatingan, tuwing nagkikita kami sa  at nagkakasalubong nag ngingitian lang kami sa isa't isa. Hanggang humupa na ung nag datingan at nagkaroon kami ng time mkpag usap! Habang nag uusap kami nka tingin lang ako sa kanya ng mabuti, ang ganda nya at mukhang nagugustuhan ko na sya! Bago sya mag break para kumaen hininge ko ang facebook account nya para maadd ko sya! Nagulat ako sa nakita ko, ang ganda ng primary nya! ang puti at npka sexy kako! Mas nagulat ako nung nalaman ko na 27 na pla sya. Sabi ko sa sarili ko "Imposible na talaga na magustuhan ako nito at ang layo ng age gap namin. Pang asawa na ang edad nya! Samantala ako ay 21 lang at batang bata pa!" at nalungkot ako kahit papanu. Ilang araw ang lumipas mas lalo napapalapit ang loob ko sakanya! Hanggang dumating yung time na hininge ko number nya nung magka chat kami sa fb. At simula nung nakuha ko number nya araw araw ko sya tinetxt. At isang araw nagulat ako sa sarili ko, dahil lage na sya hinahanap ng isip at puso ko. Tuwing di kami nag kikita ay nalulungkot ako. Tinanong ko ang sarili ko "mahal ko na ba sya? ba't ganito ang nararamdaman ko! Hindi ko ma explain!". Isang araw inaya ko sya na mag punta kme sa labas at kumaen, agad nman sya pumayag. Yun nga lang di kami natuloy at nakatulog ako habang iniintay ko matapos ang work nya. Nang hinayang ako kasi di kami natuloy lumabas, agad akong nag huminge ng pasensya sa nangyare. Ilang araw ulit ang lumipas at inaya ko ulit sya lumabas at pumayag ulit sya. At eto ung araw na hinding hindi ko makakalimutan..

                                                                                                                     - CONTINUE